Anim na nanalong senador sa 2013 Midterm Elections, bigong makapagsumite ng SOCE

Bigong makapag-sumite ng kani-kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections ang anim na mga nanalong senador sa katatapos na 2013 Midterm Elections.

Kabilang sa mga hindi nakapaghain ng SOCE ay sina Sonny Angara, Loren Legarda, Jv Ejercito, Chiz Escudero, Gringo Honasan at Alan Peter Cayetano.

Dahil dito, iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na posibleng patawan ng anim na pung libong pisong multa ang mga hindi nakapaghain ng SOCE.

Gayundin ang mga natalong kandidato ay inobligahang magsumite ng nagastos sa nakaraang election period.

Ilan sa mga natalong kandidato na bigo ring makapagsumite ay sina Migs Zubiri, Risa Hontiveros, Eddie Villanueva, Teddy Casiño, Rizalito David at Marwil Llasos.

Speak Your Mind

*