Ecowaste coalition, pinag-iingat ang publiko sa mga rain protection gear dahil sa posibleng poison chemicals

Labis na antas ng lead natukoy ng isang Environmental Group sa dalawampu’t tatlong mga pangkaraniwang rain protection.

Ayon sa Environmental Group na Ecowaste Coalition naitala nila na mayroong 15, 500 parts per milyon at cadmium na lalampas pa sa bilang ng 717 sa 70 porsyento ng mga rain protection na ito.

Ang nasabing mga produkto ay mga raincoats, umbrellas at mga rain boots na nasa halaga lamang ng limampu hanggang dalawang daang piso na mabibili sa mga discount shops.

Ayon kay Ecowaste Coalition Acting National Coordinator Aileen Lucero na marapat lamang na maging maingat ang mga magulang sa pamimili lalo na’t maaaring makasama ang mga produktong mayroon poison chemicals gaya ng mga rain protection na nabanggit.

Speak Your Mind

*