Grupo ng mga motorist, ihihirit ang istriktong implementasyon ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act

Laking pasalamat ng Automobile Association of the Philippines (AAP) sa pagsasabatas ng Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ikinagalak ng pinakamatandang Auto Club ang matagal na nilang hinihintay sa pagbabawal na pagmamaneho ng naka-inom o naka-droga.

Una ng ipina-abot ng Vice President and Chairperson ng Road Safety Commission ng A-A-P na si Johny Angeles ang kanilang kasiyahan.

Sa katunayan, mahigit isandaang breath analyzers na ang naipamahagi ng auto club sa mga ospital para paigtingin ang pagbabantay sa mga drayber.

Speak Your Mind

*