Longest Malangsi Grills, target na makuha ng Bayambang kasabay sa selebrasyon ng araw ng kalayaan

Naghahanda na ang bayan ng Bayambang, Pangasinan sa pagdiriwang ng kanilang ika-400 anibersaryo ng nakatatag ng bayan kasabay na rin ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa darating na Hunyo adose ngayong taon.

Ayon kay Ismael Malicdem, Municipal Civil Registrar, ilan sa mangungunang event nito ang “Battle of the Bands” na magiging bahagi ng Independence Day Ceremony.

Samantala, bilang paghahanda ng Centennial Celebration ng bayan, muling magpapamalas ang bayan sa Longest Malangsi Grills mula sa target nito na masungkit ang Guiness World Record na hawak ngayon ng bansang Turkey.

Ayon sa alkalde ng bayan, susubukan nitong makamit ang target kaakibat ang Number 1 Taxpayer ng bayan na isang Business Tycoon Mark Quimbao.

Speak Your Mind

*