LTO Dagupan, kumpiyansang mababawasan ang mga aksidente sa lansangan sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act

Nakahanda umano anumang oras ang tanggapan ng land Transportation Office (LTO) Dagupan sakaling maipatupad na Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act na nagbabawal sa pagmamaneho ng lasing at mga nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon pa kay LTO Dagupan Chief Engr. Eric Siruben, malaking kabawasan sa pagsulputan ng mga iresponsableng motorista maliban sa kabawasan na rin sa mga sisitahing indibidwal sa lansangan ang naturang batas.

Mahalaga rin umano ito hindi lang sa mga motorista kundi maging sa mga pasahero na magkaroon ng kaalaman kung paano susuriin ang mga drayber na lango sa alak o sa droga.

Kaya naman paalala ngayon ng LTO na huwag nang subukang magdrive sa lansangan na lasing o nakainom para makaiwas na rin sa aksidente at pagkakulong.

Samantala, kumpiyansa naman ang LTO na mababawasan na ang bilang ng mga motoristang naaaksidente sa lansangan dahil sa nasabing batas.

Speak Your Mind

*