Matinding pagbaha at landslide sa India, umabot na sa mahigit 1,000 katao ang patay

Umakyat na sa 1,000 ang nasawi sa pagbaha at pagguho ng lupa sa hilagang bahagi ng India at pinangangambahang patuloy pang tataas.

Ito’y dahil apektado ng masamang panahon kayat libo-libong residente pa rin ang nananatiling stranded sa Utterakhand.

Nabatid na hindi makalipad ang mga rescue helicopter ng militar dahil sa makapal na hamog kayat pinipilit sagipin ng mga rescuer ang mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng makeshift bridges at paglalakad.

Sinasabing ang naranasang monsoon rains na ito sa India ang pinakamatinding tumama sa bansa sa loob ng 80 taon at inaasahan pang titindi pagdating sa bahagi ng Chamoli at Uttarkashi.

Speak Your Mind

*