Miami Heat, bumawi sa game 2 ng nba finals, san antonio spurs, tinambakan

Nakabawi ang koponan ng Miami Heat sa game 2 ng NBA Finals Championship matapos ang masaklap nilang pagkatalo noong game 1 kontra San Antonio Spurs.

First half pa lamang ng laban ay nag-init na ng husto ang Heat at nagawang malamangan ang Spurs

Mistulang nawalan naman ng lakas ang Spurs na habulin pa ang malaking kalamang ng Heat hanggang sa 4th quarter ng laro.

Hanggang sa tuluyang natapos ang game 2 sa pamamagitan ng 19 na puntos na kalamangan ng Heat sa Spurs sa iskor na 103-84.

Dahil dito hawak na ng dalawang koponan ang tig-isang panalo habang magtutuos naman sa home court ng San Antonio ang Spurs at Heat sa game 3 ng finals.

Speak Your Mind

*