Miami Heat Head Coach, hindi tiyak ang panalo sa Game 7 do-or-die conference finals

Aminado si Filipino-American Miami Heat Head Coach Erik Spoelstra na walang kasiguraduhan ang kanilang tiyansa sa Game 7 do-or-die conference finals laban sa Indiana Pacers.

Sa panayam kay Spoelstra, sinabi nitong nasa kaniyang players ang magiging kasagutan kung nais nilang muling makakapaglaro sa finals.

Inihayag pa ni Spoelstra na marami na ring champion teams ang dumanas sa kanilang pinagdadaanan ngayon.

Matatandaang huling lumaban sa deciding game 7 ang Heat noong nakaraang taon nang talunin nila ang Boston Celtics.

Samantala, kung sino ang mananalo ngayong martes ay kakalabanin ang San Antonio Spurs sa NBA Finals.

Speak Your Mind

*