Miami Heat, kampeon pa rin sa Eastern Conference, Indiana Pacers tinambakan

Tinambakan ng defending champion na Miami Heat ang Indiana Pacers sa “do-or-die” na game 7 para sa pinag-aagawang Eastern Conference Crown sa score na 76-99.

Mula sa matamlay na performance sa first quarter, uminit ang laro ng heat sa second half kung saan gumawa ng tatlong magkasunod na 3-point shots si Ray Allen at alley-oop dunk si Lebron James mula sa assist ni Norris Cole.

Tanging si David West lamang ang nagtrabaho nang husto sa Pacers habang si Roy Hibbert ay maagang nakakuha ng tatlong personal fouls.

Sa pagtatapos ng 4th quarter, lalo pang nalugmok ang pacers matapos ma-fouled-out sa laro ang kanilang power forward na si Paul George.

Sa natitirang 5 minutes, nakapagtala na ng 26-point lead ang heat dahilan para pinagpahinga na rin ni Fil-Am Coach Eric Spoesltra ang “big 3” ng koponan na sina James, Dwayne Wade at Chris Bosh.

Si James ay nakapagtala ng 32 points habang 21 points ang ambag ni Wade.

Makakaharap ng Heat sa NBA finals ang San Antonio Spurs.

Speak Your Mind

*