Pacers at Heat, tumabla na, game 7 ng Eastern Conference finals, tiyak na do or die

Naitabla ng Indiana Pacers sa 3 all ang serye kontra NBA Defending Champion Miami Heat para sa do or die game 7 ng Eastern Conference finals bukas.

Ā Nagtala ng double performance si Roy Hibbert sa kaniyang 24 points at 11 rebounds habang 28 points naman ang ambag ni Paul George para pangunahan ng dalawa ang 91-77 victory ng koponan.

Gumawa naman ng 29 points si Lebron James para sa heat samantalang 10 points lamang ang ambag si Dwayne Wade.

Nagsimula ang momentum ng Indiana sa kanilang homecourt sa third quarter kung saan nagtala sila ng 66-49 lead at bigo nang makahabol pa ng Heat hanggang maitala sa 91-77 ang final score.

Speak Your Mind

*