BFAR Region 1, hindi pabor sa mga iligal fishpens sa Pangasinan

Hindi pabor ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional 1 sa mga konstruksiyon ng iligal fishpens sa kailugang sakop ng Pangasinan.

Tahasan itong inihayag ni BFAR Regional Director Nestor Domenden, dahil sa siltation na nagiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa mga kailugan particular na sa panahon ng tag ulan.

Batay sa datos, kabilang ang mga lugar na talamak sa fishpen structure ang lungsod ng Dagupan, at San Carlos at bayan ng Lingayen, at Binmaley

Kinakatawan nito ang 4,000 hectares ng fishponds ng mga nabanggit na mga lugar sa Pangasinan na nakadepende sa Pantal River.

Idinagdag naman ni Domemden na pinapahintulutan niya ang mga fish cages, pero ang fish pen ay mahigpit niyang tinututulan dahil nagiging sanhi ito ng pagbagal ng daloy na tubig at pagbara na rin sa ilog. dzrd newscenter

Speak Your Mind

*