Drone strike ng Amerika sa isang compound sa Pakistan, labin anim katao ang patay

Patay ang labing anim katao sa drone strike ng Amerika sa isang compound sa North Waziristan, Pakistan.

Ayon sa mga saksi, dalawang missiles umano ang tumama sa isang building sa lugar

Sinabi naman ng mga local officials, karamihan daw sa mga nasawi ay mula sa militanteng Haqqani Network.

Ang North Waziristan ay stronghold ng Al Qaeda at Taliban.

Ipina-summon naman ng Pakistan ang isang Senior US Diplomat upang magprotesta.

Speak Your Mind

*