Egyptian President Mohammed Morsi, nilusob ng mga raliyista para pababain sa puwesto

Daan-daang libong katao ang dumagsa sa lansangan ng Cairo at ng iba pang lungsod sa Egypt para magmartsa patungo sa Presidential Palace, sa layuning patalsikin sa puwesto si Egyptian President Mohammed Morsi.

Pinagpupukol ng bato at firebombs ng kabataang raliyista ang pangunahing headquarters ng Muslim Brotherhood ni Morsi, at sinunog pa ang tarangkahan ng palasyo.

Dahil dito, pinagbabaril naman ang mga nagbarikadang tagasuporta ng mga raliyista, at sinabi ng mga aktibista na tatlo sa kanila ang nasawi.

Habaang lima pang anti-Morsi protester ang napatay nitong linggo sa paglalaban at pamamaril sa katimugang Egypt, at pinangangambahang higit pang magiging marahas ang mga protesta sa mga susunod na araw.

Speak Your Mind

*