Enrique Gil, tinanghal na ‘Sexiest Man in the Philippines” sa isang taunang online poll

Tinanghal si Enrique Gil bilang “Sexiest Man in the Philippines for 2013 sa online poll ng sikat na entertainment website na Starmometer na nilahukan ng libu-libong fans sa Twitter at Facebook.

Nagkamit ni Enrique ng kabuuang 39,746 votes, na sinundan ng kapwa kapamilya actor na si Xian Lim na nakakuha ng 22,091 votes.

Pasok naman sa listahan sina Matteo Guidicelli na nasa No. 3, Coco Martin sa No. 4, Slater Young sa No. 6, na sinundan nina Sam Milby, Gerald Anderson, Paulo Avelino at Richard Yap.

Matatandaang ang mga nagwagi sa taunang online poll ay sina Sam Milby noong 2007, Piolo Pascual noong 2008, Enchong Dee noong 2011 at Coco Martin noong 2010 at 2012.

Speak Your Mind

*