Infant and Young Child Feeding Program, matagumpay sa bayan ng Mangaldan

Naging matagumpay ang isinagawang limang araw na Infant and Young Child feeding program training ng mga piling residente sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay Municipal Nutrition Action Officer Precilia Mejia, ang ilan sa mga piling partisipante na sumailalim sa pagsasanay ay mula sa pitong barangay ng mangaldan na kinabibilangan ng Brgy. Councilor, medwife, parent leader at iba pang mga kababaihan.

Ipinaliwanag pa ni Mejia na ang mga ito ang naatasang magturo sa kani-kanilang nasasakupang mga barangay hingil sa nasabing feeding program.

Layunin umano ng naturang programa na palakasin ang wastong nutrisyon ng mga bata sa mga barangay ng Mangaldan kung saan ang mabibinipisyuhan nito ay ang mga buntis, at mga batang isa hanggang dalawang taong gulang. (Genenvice Ocampo)

Speak Your Mind

*