Landslide sa China, mahigit 30 katao ang nalibing ng buhay

NALIBING ng buhay ang higit 30 katao sa nangyaring landslide sa Sichuan Province sa China, bunsod ng ilang araw na pag-ulan.

Ayon sa state news agency na Xinhua, patuloy ang ginagawang rescue sa mga biktima.

Nawasak din sa baha ang 50 taon nang tulay sa karatig bayan sanhi ng pagkatangay sa baha ng anim na sasakyan kung saan 12 ang missing.

Simula noong linggo, higit 500,000 katao na ang apektado ng pagbaha sa Southwestern China at 300 mga kabahayan ang nasira.

Speak Your Mind

*