Pag-aalaga ng mosquito fish, inirirekomenda ng BFAR

Inirirekomenda ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pag-aalaga ng mosquito fish para maibsan ang pagdami ng dengue cases sa lalawigan ng Pangasinan lalo na sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay BFAR Chief Dr. Westly Rosario, malaki ang maitutulong ng mga nasasabing klase ng isda dahil tanging mosquito larvae ang kinakain ng mga mosquito fish nang sa gayon ay mawala na ang pinangingitlugan ng mga lamok.

Mabilis lang din umanong lumaki at dumami ang mosquito fish at maaaring ipakalat ito sa mga kanal sa Dagupan City na potensiyal na pinamamahayan ng mga lamok.

Samantala, maaari rin umanong alagaan ang mga ito sa bahay na magbibigay rin ng segruidad sa pag-dami ng lamok sa tahanan.

Speak Your Mind

*