Pagbuhos ng ulan, ikinatuwa ng mga magsasaka sa San Fabian

Labis na ikinatuwa ng mga magsasaka sa bayan ng San Fabian, Pangasinan ang malakas na pagbuhos ng ulan kahapon.

Itoy sa kabila ng asam ng mga magsasaka na mabahaginan ang mga ito ng kaunting tubig ulan para sa pananim sa lugar.

Ayon pa sa Municipal Agriculturist Juan Hugilon Jr, hindi rin nito inaasahan ang pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng pangasinan kabilang ang San Fabian dahil sa pasisimula ng mga pananim rito.

Labis pa rin ngayon ang dalangin ng nasabing bayan na magtuloy tuloy lang umano ang pagbuhos ng ulan upang makakalap ng sapat na suplay ng patubig sa mga pananim sa lugar. Genevive Ocampo

Speak Your Mind

*