Paliligo sa tubig ulan, masama ang epekto sa kalusugan – CHO

Mahigpit na ipinaalala ng City Health Office ng Dagupan ang masamang epekto sa kalusugan ng paliligo sa tubig ulan lalo na sa mga batang nasa edad 12 gulang pababa.

Sinabi ni Dr. Leonard Carbonelle, ang City Health Officer ng Dagupan na kalimitang mahina pa ang resistensya ng mga bata kaya madali silang kapitan ng sakit tulad ng ubo’t sipon na maaaring mauwi sa pneumonia kung sila ay mabababad sa ulan.

Mapanganib aniya ang tubig ulan dahil ito ay isang carbon dioxide na sumasama sa tubig na nabubuo bilang acid rain.

Dahil dito, ipinapayo ni Carbonell na iwasan na ang paliligo sa tubig ulan upang hindi makompormisyo ang kalusugan ng mga bata, at ugaliin din palakasin ang resistensya upang maging matatag sa anumang uri ng sakit.

Speak Your Mind

*