Pamamaril ng Egyptian Military sa Morsi Supporters, 20 katao ang patay, higit 300 sugatan.

Patay ang 20 supporters ng napatalsik na si Dating Egyptian President Mohammed Morsi sa Cairo, Egypt makaraang barilin ng Egyptian Military.

Ayon sa report, bukod sa mga nasawi, 300 pa ang sugatan nang paputukan ng militar.

Nagsasagawa umano ng vigil ang mga supporters ni Morsi na Muslim Brotherhood sa labas ng headquarters ng republican guard nang barilin ang mga ito.

Sinasabing nasa loob ng republican guard headquarters si Morsi na hawak pa rin ngayon ng militar.

Naputol umano ang mga demonstrador sa kanilang pagdarasal nang tinirgas ng mga sundalo at pinagbabaril.

Speak Your Mind

*