Piso kada litrong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo, nakaamba

Inaasahang aabot sa piso kada litro ang nakaamba na namang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa isang source mula sa isang kumpanya ng langis, dulot pa rin umano ito sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

Sa kasalukuyan ay naglalaro sa pagitan ng P50-52 kada litro ang presyo ng gasolina habang nasa P40-41 ang diesel.

Noong nakaraang linggo ay nagpatupad na ng P.45 kada litrong increase sa presyo ng diesel habang P.60 naman sa gasolina.

Kapansin-pansin ang linggu-linggong oil price hike mula pa noong buwan ng Hunyo.

Speak Your Mind

*