PMA, nagbabala sa publiko laban sa paggamit ng e-cigarettes

Nagbabala ang Philippine Medical Association (PMA) sa publiko laban sa electronic cigarettes.

Ayon kay PMA President Dr. Leo Olarte, hindi nila hinihikayat ang paggamit ng e-cigarettes dahil posibleng makasma aniya sa kalusugan ng tao ang mga kemikal na nakalagay dito.

Lumilitaw aniya na ang paggamit ng e-cigarette ay masama ang epekto sa kalusugan dahil taglay nito ang nicotine na nagdudulot ng pagbara sa mga tubo papunta sa baga o pagkakaroon ng lung cancer.

Nababahala naman ang PMA sa paglaganap ng mga gumagamit ng e-cigarettesĀ  lalo na sa mga kabataang nagsisimula ng manigarilyo kung saan ito na aniya ang kinalolokohan ngayon bilang alternatibong bisyo ng mga ito.

Giit ni Olarte, dahil sa e-cigarette ay maaring masunog ang bunganga ng mga naninigarilyo dahil sa gumagana aniya ito sa pamamagitan ng rechargable battery.

Speak Your Mind

*