Salpukan ng bus at trak sa Russia, labingwalo katao ang iniwang patay

Hindi bababa sa 18 ang patay sa salpukan ng pampasaherong bus at trak na may kargang graba sa Oznobishin, Russia.

Umaabot naman sa 25 ang sugatan sa insidente kung saan tumagilid ang trak at halos nahati naman sa lakas ng banggaan ang bus.

Ayon kay Petr Biryukov, deputy mayor ng Moscow, ang trak ang siyang bumangga sa bus dahil sinundan lamang ng bus ang ruta nito.

Tumilapon sa bus ang 12 cubic meter na kargang graba ng trak na siyang naglibing sa mga sakay nito.

Speak Your Mind

*