Singapore at Amerika, nakatakdang umangkat ng bigas sa bansa

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na mag-aangkat ng bigas ang Singapore at Amerika sa bansa.

Ito’y sa kabila ng napaulat na pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa umano’y kakulangan ng suplay nito.

Ayon kay DA Secretary Proceso Alcala, 45 metric tons ng premium o aromatic rice ang aangkatin ng Singapore na nakatakdang ibiyahe sa Hulyo 22

Ang Amerika naman ay mag-aangkat ng 20 metric tons ng bigas sa mga susunod na buwan.

Target ng DA na makapag-export ng 100 metric tons ng bigas ngayong 2013.

Speak Your Mind

*