Venue sa bansa para sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships, inihahanda na

Kasalukuyan nang ipinapaayos ng Philippine Sports Commission ang Ninoy Aquino Stadium na isa sa magiging venue para sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.

Ayon kay PSC Chairman Richie Garcia, nakatakda na ring ikabit ang bagong electronic scoreboard isang linggo bago ang 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na nakatakda sa Agosto 1-11.

Papipinturahan ng PSC ang pasilidad ng Ninoy Aquino Stadium para sa nasabing qualifying tournament ng 2014 FIBA World na idaraos sa Spain.

Bukod sa Ninoy Aquino Stadium, gagamitin din para sa nasabing torneo na sasabakan ng Gilas Pilipinas II ang MOA Arena sa Pasay City.

Speak Your Mind

*