Vice Ganda, aminadong lumaylay ang career dahil kay Jessica Soho

Plano umano ngayon ni Vice Ganda na mag-slowdown sa kanyang career sa susunod na taon kung saan nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang kontrata sa kapamilya network sa December.

Pero pipirma naman daw uli siya ng panibagong contract sa dos dahil satisfied daw siya sa pamamalakad nito sa kanyang career.

Paliwanag pa ni Vice, hindi siya aalis sa Showtime at sa Gandang Gabi Vice, ang gusto lang niya ay one movie a year lang ang gagawin niya.

Gusto rin niyang bigyan ng mas mahabang panahon ang sarili sa mga personal na bagay at makapagpahinga ng mahaba-habang oras at makipag-bonding sa kanyang pamilya

Aminado rin naman si vice na natakot siya sa paglamlam ng career niya kamakailan, ito nga ‘yung isyu sa kanila ni Jessica Soho.

Ganunpaman, nagpapasalamat naman siya dahil sa dami ng mga isyung pinagdaanan niya ay nanatiling tanggap siya ng mga tao.

Speak Your Mind

*