Water consumers, walang maaasahang refund ng sobrang ibinayad sa water concessioners

Wala umanong maasahang direktang refund ang mga water consumers sa metro manila at karatig lalawigan mula sa mga water concessioners sa gitna nang nabunyag na pagpapasa ng mga ito ng kanilang income tax sa kanilang mga kostumer.

Ito’y dahil hindi umano nakapaloob sa concession agreement ng Manila Water at Maynilad Water ang “refund” sa oras nagkaroon ng sobrang singil ang nasabing mga kompaniya.

Sa halip, sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office Acting Chief Regulator Emmanuel Caparas, na maaring magpatupad ng adjustment sa kanilang mga water rates ang dalawang water firm.

Sa ngayon ay nirerepaso na ng MWSS ang mga probisyong nakapaloob sa 1997 Concession Agreement ng dalawang kompaniya, partikular ang tungkol sa paniningil ng mga ito ng “business taxes” sa kanilang mga kostumer.

Speak Your Mind

*