Charice, byaheng Amerika na dalawang buwan matapos umaming lesbian

Bumiyahe na si Pinay International Singer na si Charice patungong Amerika para sa nakatakdang appearance sa 2013 Major League Baseball Beacon Awards Luncheon na idaraos sa Chicago, Illinois, sa Agosto 24.

Ito na ang magiging first ever performance ni Charice, dalawang buwan matapos nitong aminin sa publiko na siya ay lesbian.

Matatandaang sa Amerika unang umani ng kasikatan si Charice sa tulong ng mga tanyag na talk show host na sina Ellen De Generes at Oprah Winfrey.

Mahigit isang buwan naming mananatili sa Amerika si Charice para sa mga meeting, performance, at  photoshoot.

Speak Your Mind

*