China, hindi nagustuhan ang pakikialam ng Amerika sa panag-aagawang South China Sea

Hindi nagustuhan ng China ang pakikialam ng senado ng Estados Unidos sa patuloy na agawan ng mga teritoryo sa South China Sea.

Sinabi ng China na maaari pang lumalala ang gusot sa pagitan ng iba pang bansa na umaangkin ng mga teritoryo sa katubigan ng katimugang asya, kabilang ang Pilipinas, dahil sa mali-maling impormasyon ng Estados Unidos.

Ayon kay American Senator Robert Menendrez, isa sa mga may-akda ng resoulution 167, mas magandang pagtuunan ng pansin ng China ang kinabukasan ng rehiyon at kalimutan na ang mga nakaraan.

Pero iginiit ng China na hindi dapat makialam ang Estados Unidos sa problema nito sa Pilipinas, Vietnam at Japan.

Speak Your Mind

*