Maja Salvador, nega ang epekto sa career ni Gerald Anderson

Marami ang nagsasabi ngayon na medyo kumulimlim ang ningning na career ni Gerald Anderson, simula nang maging girlfriend nito si Maja Salvador.

Hindi raw kasi naging mainit ang pagtanggap ng tao sa relasyon ng dalawa, at kahit inamin na ito sa publiko ay walang naging interesado.

Puna pa ng ilan, parang nasanay na lang daw ang mga tao sa ginagawang pagpalit-palit ng boyfriend ni Maja.

Hindi na rin umano kataka-taka kung mismong ang magulang ni Gerald ang umayaw kay Maja para sa kanilang anak dahil din daw sa negang ugali ng aktres.

Samantala, aabangan naman ngayon kung isasama ni Gerald si Maja sa premiere night ng pelikulang “On the Job” na pinagbibidahan nila ni Piolo Pascual na ipalalabas sa august 28.

 

Speak Your Mind

*