Peace and Order Council ng Dagupan City, muling binuo

Muling binuo ng City Government ng Dagupan ang kanyang Peace and Order Council para labanan ang mga banta sa seguridad ng syudad.

Pinirmahan na ni City Mayor Belen Fernandez ang Executive Order No. 08 para mabigyang daan ang reorganization at redefining sa mga tungkulin ng nasabing ahensya.

Ang binuong council ay magsasagawa ng forum para mapag-usapan at mabigyan ng kaukulang deliberasyon sa mga pangunahing isyu at problema na nakakaapekto sa kapayapaan at kaayusan ng lungsod kabilang na ang insurhensya.

Ito rin ay magrerekomenda ng mga pamamaraan para mapabuti ang peace, order at public safety ng syudad at makipag-ugnayan sa mga internal security operations ng mga civil authorities at agencies ng gobyerno.

Speak Your Mind

*