Amerika at Russia, nagharap na; plano para sa chemical weapons ng Syria, tatalakayin na

Sa wakas ay nagharap na rin ang Estados Unidos at Russia para talakayin ang plano ng moscow na ipasailalim ng Syria ang chemical weapons nito sa International Control sa gitna ng pagsali ng Damascus sa global poison gas ban.

Pero giit ni US Sec. of State John Kerry, hindi pa rin nila inaalis ang posibilidad ng pagtutuloy ng pag-atake ng Amerika sa Syria sakaling pumalya ang naturang plano.

Nakatanggap ng dokumento ang United Nations kung saan nakasaad na sasali na nga sa global anti-chemical weapons treaty ang Syria dahil gustong pigilan ni Pres. Bashar Al-Assad ang pagsugod ng Amerika sa kanyang bansa

Speak Your Mind

*