Approval rating ni President Dilma Rousseff ng Brazil, nakabawi na

Unti-unti nang nakakabawi ang approval ratings ni President Dilma Rousseff matapos ang serye ng pagpo-protesta ng kanyang mga nasasakupan hinggil sa korapsyon at maling pamamalakad ng pamahalaan.

Base sa pinakahuling survey, lumalabas na dalawa sa tatlong Brazilians ang naniniwalang tinugunan ng maayos ng administrasyon ni Rousseff ang hinaing na kanilang inilatag!

Pero sa kabila nito, nananatili pa ring mataas ang negative rating ni Rousseff na posibleng makaapekto sa muli niyang pagtakbo sa darating na eleksyon.

Samantala, sa Kenya, sa pagpapatuloy ng pagnidig sa kaso ni Kenyan Deputy President William Ruto, inakusahan siyang bumuo ng isang hukbo bago pa man ang 2007 elections sa bansa para makidigma para sa kanya!

Pero si Ruto, nag-plead ng ‘not guilty’ laban sa isinampang humanity charges sa kanya na kasalukuyan nang dinidinig sa International Criminal Court o ICC.

Speak Your Mind

*