Brazil, galit pa rin matapos tiktikan ng National Security Agency ng Amerika

Matapos na matuklasang tinitiktikan ng National Security Agency ng Amerika ay mas hihigpitan na ngayon ng Brazil ang pagbabantay sa mahahalaga nitong dokumento.

Giit ni Pres. Dilma Rousseff, isang bagong batas ang kanilang ipatutupad na mag-aatas sa Facebook, Google at iba pang kumpanya sa internet na magtago ng mahahalagang impormasyon sa loob mismo ng Brazil.

Sa kabila ng tila pursigidong hakbang na ito, inamin naman ng mga eksperto na mahihirapan silang gawin ang plano ni Rousseff dahil masyado umanong mahal ang halaga nito.

Una ng inakusahan ni Rousseff ang Amerika ng pang-eespiya sa kanilang oil giant na Petrobras para sa kanyang sariling “economic and strategic” reasons.

Speak Your Mind

*