Crime satisfactory rating ng Dagupan PNP, tumaas, pagsugpo sa illegal na droga, paiigtingin

Wala na umanong masasabi ang mamamayan ng lungsod ng Dagupan sa epektibong pagpapatupad ng peace and order ng pamunaan ng pulisya sa lungsod.

Ayon sa crime index ng naturang siyudad, umaabot sa 91.10% ang crime satisfactory rating nito, pagmamalaki pa ni Police Chief Inspector Rizaldy Dalope ng Dagupan PNP.

Malaking bahagi umano ng tagumpay nito ang pakikiisa ng mga residente sa mas mabilis na sumbong sa kinauukulan hinggil sa ilang krimen sa lugar.

Aminado naman si Dalope na hindi lahat ng mga krimen sa lungsod ay natutugunan ngunit nagagawan naman ng paraan para ito ay masolusyunan.

Isa sa nabanggit rito ang droga, bagay na pagtutuunan pa ng pansin ng hanay ng Dagupan PNP para tuluyan ng mabuwag ang nasa likod ng malaking operasyon nito bilang main hub sa buong rehiyon.

Speak Your Mind

*