Daing industry sa San Fabian, apektado sa pabago-bagong lagay ng panahon

Humihina ngayon ang paglago ng daing industry sa bayan ng San Fabian, Pangasinan dahil sa pasulpot-sulpot na sikat ng araw.

Nagiging basehan na rin ng pagkalugi ang mabagal na proseso ng drying o pagpapatuyo sa mga inilalakong daing na isda dahil sa mga pag uulan nitong mga nagdaang araw.

Ayon naman kay Municipal Agriculturist Juan Hugilon Jr., tanging ang magandang panahon nalang ang inaasa han ng nasabing daing industry  para maibalik ang tuloy tuloy na pag angat pa ng produksiyon ng nasabing produktong isda. (Genevive Ocampo)

Speak Your Mind

*