Isinagawang Buntis Congress ng PHO, matagumpay

Matagumpay ang isinagawang Buntis Congress sa Rosales Gym sa bayan ng Rosales Pangasinan kung saan umabot sa mahigit dalawang daang pregnant women ang dumalo mula sa bayan ng Rosales at mga karatig bayan kagaya ng mga bayan ng villasis, Sta. Maria, Sto. Tomas, San Quintin at Balungao.

Ilan sa mga serbisyong ibinigay ay ultrasound, pre-natal check-up, laboratory tests, dental check-up, beauty care services, philhealth enrollment advocacy, vital signs, at pharmacy services.

Ayon kay  Provincial Health Officer Dra. Anna de Guzman, layunin ng nasabing pagtitipon na mahikayat ang lahat ng mga buntis na kababaihan na magsilang sa ospital at maka-avail sa mga health and safety services para sa mga nanay at sanggol.

Dito binigyang diin ni Gov. Amado T. Espino Jr., ang kanyang target na zero-maternal death sa Pangasinan, at makakamtan lamang ito sa pamamagitan ng kooperasyon ng bawat pangasinense.

Speak Your Mind

*