Japan, binabayo ng bagyong Man-Yi, mahigit 300,000 mga pamilya, inilikas

Nanalasa sa Japan ang malakas na bagyong Man-Yi na nagdulot ng walang humpay na ulan at matinding baha sa ilang bahagi ng Kyoto, kung saan 300,000 mga pamilya na ang inutusang lumikas.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang bagyong Man-Yi, ay isa sa pinakamalaks na tumama sa bansa ngayong taon, ay bitbit ang lakas ng hangin na 162 kilometers (100 miles) per hour noong lunes ng umaga at patungo na sa Tokyo.

Magdamag itong nagbagsak ng “unprecedented amount of rainfall” sa kyoto at mga katabing bayan.

Bukod sa mga lumikas, halos 80,000 kabahayan ang ngayo’y walang elektrisidad sa Western at Central Japan.

Speak Your Mind

*