Nararanasang pag-uulan ngayon, ikinatuwa ng mga magsasaka ng San Fabian

Muling ikinatuwa ng mga magsasaka sa bayan ng San Fabian, Pangasinan ang nararanasang pag-uulan nitong mga nakalipas na araw.

Kaugnay ito sa pagkukulang sa suplay ng patubig sa mga irigasyon nito lalot panay pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga residente ng bayan.

Ayon pa kay Municipal Agriculturist Juan Hugilon Jr, malaking tulong ang muling pagbuhos ng ulan sa mga palayan ng mga residente sa mas mabilis na paglaki ng mga pananim rito.

Bagamat, isa ang bayan sa nakaranas ng hagupit mula sa tatlong magkakasunod na kalamidad, ngunit kulang pa rin ang nasabing suplay ng patubig upang masabing sapat na ito sa kanilang palayan.

Patuloy pa rin na umaasa ang mga magsasaka ng bayan sa tuloy- tuloy na buhos ng ulan sa mga susunod pang mga araw.

Speak Your Mind

*