Nikki Gil, napatawad ang ex-boyfriend na si Billy Crawford

Napatawad na umano ni Nikki Gil ang kanyang ex-boyfriend na si Billy Crawford matapos ang kanilang break-up.

Kasabay nito, inamin din ng actress na maging siya ay may pagkakamali rin sa kanilang relasyon

Dagdag ni Nikki na magkaiba lamang sila ni Billy ng pananaw sa buhay kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang samahan na tumagal nang halos apat na taon.

Samantala, inihayag din ng 26-anyos na singer actress na masaya na siya sa kanyang buhay at ang naging sandata niya para makapag move on ang pagdadasal, pagpapatawa, pangunawa at supurta mula sa kanyang pamilya at kaibigan.

Speak Your Mind

*