“Oplan Broadcastreeing 2013” ng KBP-Pangasinan Chapter, matagumpay

Umabot sa mahigit na dalawang libong mangrove trees ang naitanim sa katatapos lang na nationwide simultaneous 2013 Oplan Broadcastreeing ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KPB) Pangasinan Chapter

Dinaluhan ng mahigit na animnaraang katao ang naturang aktibidad na ginanap sa Dawel-Pantal Riverbanks sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan noong ng Sabado Sept. 7, 2013

Kabilang sa mga makiisa ang PNP, Phil Navy, Phil Army, Pangasinan at Dagupan PNP, DILG, Dept of Agriculture at POSO Dagupan, PENRO, LTO, Comelec, BFP, Napolcom, ibat ibang eskwelahan, at member radio at television networks sa buong lalawigan

Ayon sa presidente ng KBP Pangasinan Chapter Jay Mendoza, isang kabayanihan ang ipinamalas ng lahat ng nagsipagdalong indibidwal at grupo na nagbahagi ng kanilang oras para sa iisang tugon at panawagan sa patuloy na paghagupit ng mga kalamidad saa lalawigan ng Pangasinan at maging ng bansa.

Speak Your Mind

*