Pagbaba ng kaso ng leptospirosis sa Pangasinan, ikinatuwa ng Pangasinan Provincial Hospital

Bumaba ng dalawadaang porsyento ang kaso ngayong ng leptospirosis sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH).

Ayon sa tala ng PPH mula Enero hanggang Setyembre 2012 umabot ang kaso nito ng limampu kumpara ngayong taon sa kaparehong mga buwan, lima lang umano ang naitala nito.

Labis naman ang naging tuwa ng Dr. Karl Orduna, ang Head Chief Clinic sa PPH dahil sa epektibong kampanya ng ahensiya kontra leptospirosis.

Kung tutuusin ani Ordunya, di hamak na mas marami ang naging kalamidad at pagbaha ang naranasan ng lalawigan ngayong taon na sanay magbibigay ng mataas na bilang ng kaso nito.

Ngunit dahil sa matibay na koordinasyon ng mga Pangasinense, naitawid nito ang malaking drop rate ng kaso ngayong taon.

Speak Your Mind

*