Pop Star Sarah Geronimo, kabilang sa nominado sa MTV Europe Music Awards

Panibagong international recognition ang nakuha ng pop star na si Sarah Geronimo.

Ito’y matapos na kabilang si Sarah sa mga nominado sa 2013 MTV Europe Music Awards.

Nominado si Geronimo sa best Southeast Asia Act category kung saan makakatunggali nito ang mga artists mula Malaysia, Vietnam, Indonesia, Singapore at Thailand.

Maalala na noong nakaraang taon, nanalo ang singer ng Best Asian Artist Trophy sa 2012 MNET Asian Music Awards sa Hong Kong.

Ayon sa MTV Europe, sa loob ng isang dekada, ilang multi-platinum albums umano ang nagawa ni Sarah, record-breaking concerts at blockbuster movies.

Speak Your Mind

*