Regional Police Office, todo paghahanda na sa nalalapit na Brgy at SK election

Abala na ang Police Regional Office 1 sa pagpapalawig ng regular na komunikasyon at pagpupulong sa lahat ng mga hepe ng pulisya sa rehiyon.

Sa panayam ng sonshine radio kay Regional Police Office Regional Information Officer PSupt. Godfrey Buslotan, sinabi nito na kasalukuyan ng inaayos ang safety measures na ilalatag ng pnp sa nalalapit na Brgy at Sangguniang Kabataan (SK) election.

Sa katunayan, nasa pag-iikot ngayon ang regional batallion command sa buong rehiyon upang masiguro na may kahandaan nga ang hanay sa mas mainit na halalan sa mga barangay.

Bagamat aminado ang PNP na kulang ang bilang ng kapulisan para magmamatyag sa lahat ng brgy sa rehiyon, sisikapin pa rin umano pulisya na mapopostehan ng isa o dalawang unipormadong pulis para magbantay sa anumang kaguluhan sa lugar.

Speak Your Mind

*