Russia, handang sumuporta sa military strike kung mapatunayang gumamit ng chemical weapon ang Syria

Nakahanda umano ang russia na suportahan ang military attack ng Amerika sa Syria, sakaling mapatunayan na gumamit ng chemical weapons ang Assad Regime.

Sinabi ni Russian President Vladimir Putin, kung mapatunayan na ang Damascus ang naglunsad ng chemical attack, payag sila sa military operation.

Gayunpaman iginiit ni Putin na ang video na kuha sa sinasabing chemical attack sa Damascus noong August 21 ay posibleng gawa-gawa lamang.

Nabatid na ang Russia kasama ang China ay siyang pangunahing humaharang sa anumang resolusyon na maipasa sa United Nations Security Council, laban sa Syria.

Speak Your Mind

*