Somalian Islamic Extremist Group, inako ang pagpapasabog sa isang mall sa Kenya

Limampu’t siyam na katao ang napatay at mahigit 175 ang nasugatan sa pag-atake sa isang kilalang mall sa Nairobi Kenya,

Kabilang sa mga nasawi ang ilang dayuhan, gaya ng dalawang babaeng french na kinumpirma ng gobyernong France, at napaulat ding kabilang sa mga nasugatan ang ilang amerikano.

Hanggang linggo ng umaga, 12 oras makaraang magsimula ang pag-atake, ay nanatili sa loob ng mall ang mga armado at may kaugnayan sa Al-Qaeda na suspek, bihag ang ilang tao.

Inako na ng Somalian Islamic Extremist Group na Al-Shabab ang pag-atake bilang ganti umano sa pagpasok ng puwersang kenyan sa Somalia noong 2011 kung saan nagbabala pa ng mas maraming pagatake ang grupo.

Speak Your Mind

*