State of Emergency, idineklara na sa Peru dahil sa matinding snow

Anim katao na ang namatay sa nagyeyelong temperatura at snow sa kabundukan ng Peru at Bolivia nitong nakaraang linggo at mahigit 30,000 hayop ang nangamatay sa lamig.

Nagdeklara ang Peru ng State of Emergency hanggang sa Setyembre 20 para sa kabundukan sa timog, na pinakamaraming hayop ang namatay.

Kasabay nito, apektado na rin ng lamig ang mahigit 80,000 mamamayan.

Sinabi ni Meteorologist Nelson Quispe noong linggo na kabilang sa abnormal na panahon ang unang pagbagsak ng snow sa Atacama Desert ng Chile sa loob ng 30 taon.

Speak Your Mind

*