State of Emergency, idineklara sa Colorado dahil sa matinding pagbaha

Ideneklara na ni US President Barack Obama ang State of Emergency sa stado ng Colorado dahil sa matinding baha kung saan tatlo na ang namamatay habang isa ang nawawala.

Higit na naapektuhan ng kalamidad ang Boulder County habang isolated naman ngayon ang bayan ng Lyons.

Marami sa mga residente ng Colorado ay nagsasabing ngayon pa lamang sila nakaranas ng ganito katinding baha.

Pahirapan ang ginagawang rescue operation dahil ilang mga lugar ay hindi mapasok bunsod ng baha at nagkalat na mga debris habang ang ilang rescue helicopters ay hindi makalipad bunsod ng masamang panahon.

Speak Your Mind

*