Target na Rice Production sa Calasiao, posibleng makuha ngayong taon

Malaki ang pag asa ng mga magsasaka sa bayan ng Calasiao, Pangasinan na makukuha nito ang target rice production ngayong taon na aabot sa 4.3 metric tons.

Itoy kaugnay sa agarang suportang ibinigay ng Department of Agriculture (DA) sa mga pananim na sinalanta ng mga nagdaang bagyo na umabot sa 335 ektaryang pananim.

Habang 185 ektarya lang umano ang nabigyan ng ayudang bagong binhi base sa tala ng ahensiya sa may pinakamalalang tinamaan ng bagyo.

Ayon naman kay Municipal Agriculturist Angelita Fabia, sisikapin ng bayan na makuha nito ang target na bilang ng maaaning palay habang maari pa ring maani ang partially damaged na 150 ektarya sa kabuuang pananim ng mga magsasaka sa lugar. Lerna Hernandez

Speak Your Mind

*