Comelec Regional Office, napaalala sa 155 barangay sa rehiyon na hindi pa nakapagbigay ng 10k share sa Brgy. Election

Nagbigay ng palugit si Comelec Regional Director Atty. Noli Pipo ng hanggang October 28 sa mga barangay na hindi pa nakapag-bibigay nang kanilang share para sa darating na barangay election.

Ayon kay Pipo, sa resolution na pinalabas ng Comelec, dapat ang mga barangay ay may parte sa gastusin sa darating na eleksyon na kukunin sa kanilang Internal Revenue Allotment.

Sa boung rehiyong uno, meron na lang 155 barangay ang hindi pa nakapagbibigay ng kanilang kontribusyon mula sa may 3,265 na barangay sa apat na probinsya na binubuo naman ng walong syudad at 116 na mga munisipyo kung saan

Tiniyak naman ni Pipo na masingil man nila o hindi ang mga barangay na hindi pa nakapagbayad ay itutuloy nila ang halalan at gagamitin na lamang ang kanilang savings.

Gayunpaman, ipagpalagay, anila, utang na lang ng barangay ang sampung libong piso na hindi maibibigay ng mga ito. (Jimrey Biosa)

Speak Your Mind

*